News about Antipolo brought to you daily by Antipolo Star

The latest news and updates from Antipolo

Places to visit in Antipolo City

Antipolo News straight from the source

Experiencing the Antipolo lifestyle

Antipolo Star: The leading community newspaper of Antipolo city

Meet Cynthia Verdera Vidal, Reuel Vidal, and Cyril Vidal of Antipolo Star
The vital Vidal family behind Antipolo Star
Araw ng Lalawigan ng Rizal, alay para sa Kalikasan

Written by Antipolo STAR on . Posted in Antipolo City, Community, Headlines, Latest News, Rizal

Bilang paggunita sa ika-117Araw ng Lalawigan ng Rizal, nagsagawa ng Oplan BUSILAK (Buhayin Sapa, Ilog, Lawa, at Karagatan) ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katulong ang mga LGUs, NGOs, non-government units (NGUs) at mga pribadong kumpanya upang linisin ang Hinulugang Taktak Protected Landscape (HTPL). Katuwang ang City Environment and Waste Management Office (CEWMO), isinagawa ang naturang clean-up drive kaugnay sa pagsusulong ng YES! Program na naglalayong maibsan ang unti-unting pagliit at pagkasira ng ating kalipigaran.

“Responsibilidad ng bawat isa ang pangangalaga sa kapaligiran. Kagaya ng kalusugan, kung atin itong pababayaan at dudumihan ay tuluyan itong masisira. Sa kabilang banda, makakamit natin ang kagandahan at kaayusan kung atin itong pinangangalagaan. Araw ng Lalawigan man o hindi, itatak natin sa isip ang mga salitang ito at patuloy sana tayo sa adbokasiyang magbibigay ng isang magandang kinabukasan para sa mga susunod pang henerasyon,” sabi ni Mayor Ynares.

Nakakuha naman ang naturang programa ng isang maiinit na pagsuporta mula sa mga 300 na nakiisa kasama rin ang mga volunteer mula sa Eastern Rizal Miner’s Association (ERMA), CEMEX Solid Cement, Budget Lane, Delta Semex, Manila Water, Pure Gold, at Rapid City Realty. Kabilang rin ang mga mag-aaral ng San Isidro NHS, Antipolo Institute of Technology (AiTECH) at Antipolo Science High School sa nasabing programa.

Araw ng Lalawigan ng Rizal, alay para sa Kalikasan. Ang mga nakiisang government employees, volunteers mula sa mga pribadong kumpanya at eskwelahan sa isinagawang clean-up program ng “OPLAN Busilak (Buhayin Sapa, Ilog, Lawa at Karagatan)” sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na ginanap sa Hinulugang Taktak Protected Landscape. Layunin ng naturang proyekto na gunitain ang 117th Araw ng Lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagkalinga sa kalikasan.

Layon ng Oplan BUSILAK na maibalik at mapanatiling malinis ang mga anyong tubig sa buong lungsod at lalawigan sa pamamagitang ng tuloy-tuloy na paglilinis sa mga ito. Naayon ito sa 2013 YES! Program ng Rizal Provincial Government gayun din sa Executive Order No. 11, at Executive Order No. 8 of 2011.

Tags: , ,

Antipolo STAR

Antipolo STAR

Author