News about Antipolo brought to you daily by Antipolo Star

The latest news and updates from Antipolo

Places to visit in Antipolo City

Antipolo News straight from the source

Experiencing the Antipolo lifestyle

Antipolo Star: The leading community newspaper of Antipolo city

Meet Cynthia Verdera Vidal, Reuel Vidal, and Cyril Vidal of Antipolo Star
The vital Vidal family behind Antipolo Star
Kaligtasan ng mga Kabataan sa Antipolo, sagot ng Oplan Lingap sa Lansangan

Written by Antipolo STAR on . Posted in Antipolo City, Community, Headlines, Latest News

Matagumpayna nailigtas ang umabotsa 83 na kabataan sa lungsod ng Antipolo sa tulong ng Oplan Lingap Kabataan sa Lansangan para sa buong buwan ng Hunyo 2018. Katuwang ang City Social Welfare and Development (CSWD), misyon ng programa hindi lang mailayo ang mga kabataan sa kapahamakan na dulot ng pakalat-kalat o pagtambay tuwing dis-oras ng gabi kundi sa masasamang impluwensiya o bisyo din na napupulot dito.

“Sapat na gabay, pagmamahal at pangangalaga ang dapat nating ibibigay sa ating mga anak. Aking paalala lang na sila’y alagaang mabuti at siguraduhing nailalayo sa masamang dulot at hatid ng pagtambay ng dis-oras ng gabi. Makakaasa kayo na patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang lokal ng Oplan Lingap hangga’t may nakikita po tayong kabataang nanganganib sa lansangan,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Inililipat sa pangangalaga ng CSWD ang mga nasagip na menor-de-edad matapos ang bawat isinasagawang operasyon. Sumailalim din sila sa counseling bago payagang sumama sa kani-kanilang mga pamilya.

Pinagbabawalan ang mga kabataan na magpalaboy-laboy sa lansangan tuwing dis-oras ng gabi (10:00 PM – 4:00 AM) dahil sa pinapatupad na Curfew Ordinance sa lungsod.

Ayon sa datos ng CSWD, umabot na sa 2,691 na kabataan ang nasagip ng programa simula pa noong 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Ang isa sa mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, habang nagbibigay ng counseling sa mga kabataang nasagip ng Oplan Lingap Kabataan sa Lansangan sa Brgy. Cupang. Sa pakikipagtulungan sa City Peace and Order Council Task Force (CPOC) at Office of the Public Safety and Security (OPSS) ng lungsod, naging matagumpay ang mga operasyon na may layuning masagip at mailayo sa kapahamakan ang mga kabataang tambay o pakalat-kalat tuwing dis-oras ng gabi.

Tags: , , , ,

Antipolo STAR

Antipolo STAR

Author