News about Antipolo brought to you daily by Antipolo Star

The latest news and updates from Antipolo

Places to visit in Antipolo City

Antipolo News straight from the source

Experiencing the Antipolo lifestyle

Antipolo Star: The leading community newspaper of Antipolo city

Meet Cynthia Verdera Vidal, Reuel Vidal, and Cyril Vidal of Antipolo Star
The vital Vidal family behind Antipolo Star
300 Arbor Day volunteers, nagtanim ng 600 bamboo saplings sa Antipolo

Written by Antipolo STAR on . Posted in Breaking News, Latest News, News, Special Features

Solusyon sa lumalalang pagbabago ng klima at pagpapayabong ng kalikasan ang naging tampok sa pagdiriwang ng taunang Philippine Arbor Day o National Tree Planting Day ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumunoni Mayor Jun Ynares, sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH), Brgy. San Jose. Malugod na nagtulong-tulong ang 300 volunteers sa pagtatanim ng 600 bamboo saplings mula sa mga barangay, eskwelahan, pribadong kumpanya at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Ynares, ang pagdiriwang kagaya nito ay paalala sa lahat na tayo ay may malaking responsibilidad sa ating kapaligiran. Aniya, ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan ng Antipolo ang susi sa matagumpay na kampanya laban sa lumalalang pagbabago ng panahon at tuluyang pagkasira ng kagubatan. Dagdag pa niya, sinisigurado rin ng local na pamahalaan na may mga ordinansang nakalaan para sa pagpapanatili at pangangalaga ng kalikasan.

Katuwang ang City Environment and Waste Management Office (CEWMO), isinagawa ang tree planting activity bilang bahagi ng National Greening Program (NGP) ng pamahalaang nasyunal at Ynares Eco-System (YES) to GREEN Program ng pamahalaang panlalawigan. Ang programa rin ang naging daan sa pagpapasinaya ng proyekto ng AiTECH na “The Bamboo Grove” at ang pagtatanim ng 60 Fire Tree, 30 Tipolo at 161 Golden Shower sa Pinagmisahan at Daang Bakal sa Barangay Dela Paz.

300 Arbor Day volunteers, nagtanim ng 600 bamboo saplings sa Antipolo. Si Antipolo Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan, kasama ang ilang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo habang isinasagawa ang Tree Planting Programsa Antipolo Insitute of Technology (AiTECH) bilang pagdiriwang ng Arbor Day. Malugod na nakilahok sa programa ang iba’t-ibang volunteer mula sa mga barangay, eskwelahan, at pribadong kumpanya, gayundin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan kung saan umabot sa 600 bamboo saplings ang kanilang naitanim.

Nakiisa sa programa ang mga kawani mula sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaang lokal, kasama ang mga volunteer ng Antipolo City Science and Technology High School, Pasong Palinglingan, Sapinit, Binayoyo, Inarawan Tricycle Operators and Drivers Association (PASABI TODA) at Manila Water.

Patuloy na pinaigting ng pamahalaang lokal ang kanilang mga programang pangkalikasan, kaya hindi nakakagulat nang tanghalin muli ang Antipolo bilang Grand Champion sa 2017 Manila Bayani Award – Environmental Compliance Audit (ECA) na iginawad ng Department of the Interior and Local Government.

Ang mga volunteers na masayang nakiisa sa pagdiriwangng Arbor Day sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ginanap sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH). Umabot sa 300 volunteers ang nagtanim ng 600 bamboo saplings sa AiTECH at iba’t-ibang uri ng punong kahoy tulad ng Golden Shower, Tipolo at Fire Tree sa Pinagmisahan at Daang Bakal sa Barangay Dela Paz.

Antipolo STAR

Antipolo STAR

Author