News about Antipolo brought to you daily by Antipolo Star

The latest news and updates from Antipolo

Places to visit in Antipolo City

Antipolo News straight from the source

Experiencing the Antipolo lifestyle

Antipolo Star: The leading community newspaper of Antipolo city

Meet Cynthia Verdera Vidal, Reuel Vidal, and Cyril Vidal of Antipolo Star
The vital Vidal family behind Antipolo Star
Mga sanggol sa Antipolo, nabigyan ng libreng newborn screening

Written by Antipolo STAR on . Posted in Antipolo City, Breaking News, Community, Special Features

Sumailalimang mga sanggol sa libreng Newborn Screening (NBS) Caravan ng Antipolo City Government sa Barangay San Luis Health Center. Sa pangunguna ng City Health Office (CHO), layunin ng nasabing caravan ang agarang pagtukoy kung mayroong congenital disorder ang mga sanggol na may edad 2 hanggang 14 araw.

“Napakahalaga po namalaman agad natin kung ang ating mga bagong silang na sanggol ay mayroong congenital na kondisyon na kinakailangang gamutin upang maagapan. Sa pamamagitan po nito ay masusuri natin ng ligtas at malusog ang ating mga sanggol,” pahayag ni Mayor Jun Ynares.

Bahagi rin ng caravan ang lecture para sa mga magulang patungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga sanggol, family planning, complementary at breastfeeding gayundin ang Infant &Young Child Feeding at Integrated Management of Childhood Illnesses.

Tinalakay ng mga kawani ng Antipolo City Government sa ginanap na Newborn Screening (NBS) Caravan sa Barangay San Luis Health Center ang mga paksang gaya ng kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga sanggol, family planning, complementary at breastfeeding. Sa pangunguna ng City Health Office, nasa 41 newborn infant ang sumailalim sa libreng NBS para tukuyin kung mayroon silang congenital disorder.

Maliban sa Newborn Screening Caravan na isinasagawa dalawang beses kada taon, libre rin sa mga health center ang bakuna para sa mga sanggol gaya ng Bacillus Calmette-Guerin (BCG) vaccine para sa Tuberculosis at Leprosy, Hepatitis B, Penta Vaccine (Diptheria, Pertusis, Tetanus, Hepa B, at Influenza), Oral Polio Vaccine, Inactivated Polio Vaccine, gayundin ang Measles, Mumps, Rubella (MMR) Vaccine at Measles, Rubella (MR) Vaccine.

Sinimulan ang naturang health caravan noong 2015.

Sumailalim ang mga sanggol sa isinagawang libreng Newborn Screening (NBS) Caravan ng Antipolo City Government sa Barangay San Luis Health Center. Sa pangunguna ng City Health Office, layunin ng NBS ang pagtukoy kung mayroong congenital metabolic disorder ang mga newborn infant na maaaring maging dahilan ng kanilang pagkamatay o mental retardation. Bahagi rin ng caravan ang lecture tulad ng child immunization, family planning, at Infant & Young Child Feeding.

Antipolo STAR

Antipolo STAR

Author