News about Antipolo brought to you daily by Antipolo Star

The latest news and updates from Antipolo

Places to visit in Antipolo City

Antipolo News straight from the source

Experiencing the Antipolo lifestyle

Antipolo Star: The leading community newspaper of Antipolo city

Meet Cynthia Verdera Vidal, Reuel Vidal, and Cyril Vidal of Antipolo Star
The vital Vidal family behind Antipolo Star
Nag-iisang local college-owned FabLab sa Pilipinas binuksan ng Antipolo

Written by Antipolo STAR on . Posted in Antipolo City, Breaking News, Community, Headlines, Rizal, Special Features

Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 1st Innovation Design Engineering and Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH), Sitio Cabading, Barangay San Jose. Sa pagtutulungan ng AiTECH at Department of Trade and Industry (DTI) Region IV, ito ang kauna-unahan at nag-iisang FabLab sa buong bansa na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang LGU. Maaaring gamitin ang FabLab ng mga mag-aaral, private contractors, engineering at construction industry sa buong Rizal para sa pagdisenyo at pagbuo ng kanilang mga imbensyon at produkto gamit ang mga state-of-the-art equipment at facilities na umabot sa P15-M budget.

Ayon kay Mayor Ynares, buong puso ang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa DTI at pamahalaang nasyunal sa walang tigil na pagsuporta sa Antipolo. Aniya, hudyat umano ang sunod-sunod na inaguration ng mga pampublikong imprastraktura na patuloy ang pag-unlad ng lungsod tulad ng kamakailang pagbubukas ng 1st Public Peritoneal Dialysis Unit sa Antipolo. Dagdag pa niya nalalapit na rin ang pagbubukas ng ika-4 na pampublikong ospital at ang pampublikong burulan sa Antipolo.

Isa sa mga naging panauhing pandangal at keynote speaker sina DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, Rizal Vice Governor Reynaldo San Juan, Jr., Dr. Rennifer Francisco ng CHED, AiTECH President Dr. Erlinda Pefiancoat DTI Rizal Provincial Director Mercedes Parreño.

Masayang nakiisa sina DTI Provincial Director Mercedes Parreñosa, Rizal Vice Governor Reynaldo San Juan Jr., Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya, Antipolo 1st District Representative ChiquiRoa-Puno at Antipolo Mayor Jun Ynares sa inauguration ng 1st local government-owned Innovation, Design, Engineering, Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH), Sitio Cabading, Barangay San Jose. Sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at DTI, maaaring gamitin ng mga mag-aaral, private contractors, engineering at construction industry sa buong Rizal ang mga makabagong kagamitan para sa kanilang pagdisenyo at pagbuo ng mga imbensyon at produkto.

Kauna-unahang local college ng Antipolo City ang AiTECH na miyembro ng Association of Local Colleges and Universities (ALCU) at isang accredited Higher Education Institution (HEI) ng Commission on Higher Education (CHED). Ito rin ang tangi at nag-iisang local college sa buong Pilipinas na nagbibigay ng kursong Bachelor of Science in Construction Engineering (BSConE).

Nag-iisang local college-owned FabLab sa bansa binuksan ng Antipolo. Dinaluhan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares (ika-apat mula kanan) sa ginanap na blessing at inauguration ng 1st  Innovation, Design, Engineering, Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH), Sitio Cabading, Barangay San Jose. Kabilang sa mga dumalo sina Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya, DTI Provincial Director Mercedes Parreño, Rizal Vice Governor Reynaldo San Juan Jr., Antipolo 1st District Representative ChiquiRoa-Puno, AiTECH President Dr. Erlinda Pefianco, kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, panlalawigan at nasyunal. Ito ang kauna-unahang FabLab sa buong Pilipinas na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang local government unit.

Dinaluhan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares (ika-apat mula kanan) sa ginanap na blessing at inauguration ng 1st Innovation, Design, Engineering, Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH), Sitio Cabading, Barangay San Jose. Kabilang sa mga dumalo sina Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya, DTI Provincial Director Mercedes Parreño, Rizal Vice Governor Reynaldo San Juan Jr., Antipolo 1st District Representative ChiquiRoa-Puno, AiTECH President Dr. Erlinda Pefianco, kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, panlalawigan at nasyunal. Ito ang kauna-unahang FabLab sa buong Pilipinas na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang local government unit.

Pinasalamatan ni Mayor Jun Ynares ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ginanap na pagpapasinaya ng 1st Innovation, Design, Engineering, Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) sa Antipolo Institute of Technology(AiTECH) Sitio Cabading, Barangay San Jose. Siksik sa state-of-the-art equipment ang naturang pasilidad na maaaring magamit ng mga estudyante, private contractors, local business owners, engineering at construction industry sa buong Rizal para sa kanilang mga produkto at imbensyon.

Tags: , , , , , , ,

Antipolo STAR

Antipolo STAR

Author